Huwag pakinggan ang Pangulong Rodrigo Duterte kapag nagsasalita tungkol sa bibliya.
Ito ang payo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa publiko sa gitna ng mga batikos sa kaniyang ama matapos tawaging stupid ang diyos.
Ayon kay Sara, hindi pari, pastor o imam ang kanyang ama kundi Pangulo ng bansa kaya’t huwag itong pakinggan kung nagsasalita hinggil sa relihiyon at tanging ang mga sinasabi lamang ng Pangulo hinggil sa kanyang trabaho bilang pangulo ang dapat pakinggan.
At kung pupunahin naman, sinabi ni Sara na dapat punahin ang kanyang ama sa trabaho nito at hindi dapat sa pagiging taklesa.
Kasabay nito, idinipensa ni Sara ang ama sa mga bumabatikos ditong galit ito sa mga babae dahil siya na isang babae ay pinaka paboritong anak ng pangulo.
Kaya’t wala aniyang katuturan ang inilunsad na #BabaeAko campaign laban sa Pangulo.