Malaki ang naging papel ni Davao City Mayor Sara Duterte para kupkupin ng People’s Reform Party si Atty. Harry Roque sa pagtakbo nito bilang senador.
Sinabi ni Roque na ang desisyon niya talaga ay tumakbong senador subalit walang national party na kaanib siya.
Dahil dito, ipinabatid ni Roque na kinausap ni Mayor Sara si Secretary Jun Santiago, mister ng yumaong si Senador Miriam Defensor Santiago at pangulo at siyang kumalinga sa kaniya bilang senatoriable.