Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagkapresidente sa 2022 national elections.
Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Setyembre 6 hanggang 11 kung saan nasa 20 percent ang rating ni Mayor Sara mula sa 28 percent noong Hunyo.
Nasa ikalawang puwesto naman si dating Senador Bong Bong Marcos na may 15 percent rating, sunod si Manila Mayor Isko Moreno na may 13 percent rating at Senador Manny Pacquiao – 12 percent.
Ika-lima naman si Senador Grace Poe – 9 percent, Vice President Leni Robredo ang ika-anim sa 8 percent rating at Senador Panfilo Lacson – 6 percent.
Samantala, nangunguna naman sa Vice Presidential survey si Senate President Vicente Sotto III – 25 percent, Pangulong Rodrigo Duterte – 14 percent, Isko Moreno – 12 percent, Bong Bong Marcos – 12 percent at Manny Pacquiao – 7 percent.