“Out” na sa 2022 Presidential Race si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon ito sa Pangulong Rodrigo Duterte na naniniwalang mayruon pang malaking oportunidad na naghihintay sa kanyang anak lalo aniya’y bata pa naman ito.
Sinabi ng Pangulo na totoo si Mayor Sara sa pasyang muling kumandidato bilang Alkalde ng lungsod.
Samantala ..inihayag ng Pangulo na last minute ang pagtakbo ni Senador Ronald Bato Dela Rosa dahil walang ulo ang PDP-Laban sa pinakamataas na National post.
Naniniwala ang Pangulo sa kakayahan ni Bato at mas mabuti aniyang isang military man ang mamahala sa bansa.