Nagsalita na ang aktres na si Sarah Abad sa isyu ng umano’y paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Jay Contreras, bokalista ng bandang Kamikazee.
Sa kanyang Instagram story sinabi ni Sarah na mananatili silang mabuting magkaibigan ni jay at mapagmahal na mga magulang sa kanilang dalawang anak.
Ayon kay Sarah, maituturing na isang bagong journey o paglalakbay aniya ito para sa kanilang dalawa.
Dagdag ni Sarah, palagi niyang ipinagdarsal na mabigyan siya ng lakas at pagtanggap sa aniya’y nakapanlulumo at masakit na karanasan.
Pinasalamatan din ni Sarah ang mga tao na patuloy na nagmamahal at nagbibigay ng suporta sa kanila lalu na sa kanyang mga kaibigan na walang tigil na nagpapaabot ng mensahe.
Umugong ang usapin ng paghihiwalay nilang mag-asawa matapos magkomento ni Sarah sa pagbati ni Jay para sa Mother’s day kung saan binanggit ng aktres na bagama’t hindi na sila tulad ng dati, habangbuhay siyang magpapasalamat para sa naibigay nitong dalawang anghel na tumutukoy sa kanilang mga anak.