Magkasamang nagbakasyon sa Japan ang magkasintahan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ayon kay Matteo, doon nila napiling ipagdiwang ang ika-tatlumpung kaarawan ni Sarah.
Hindi naman na nagdagdag pa ng detalye si Matteo hinggil sa kanilang naging biyahe sa Japan dahil gusto sana niya ito manatiling pribado.
Pero ayon kay Matteo, napaka-‘unforgettable’ ng kanilang bakasyon at sana maulit ito.
Tingin tuloy ng ilan ay duon na nagpro–pose si Matteo kay Sarah, na apat na taon na niyang kasintahan.