Humingi ng pumanhin si Pop Star Princess Sarah Geronimo kay Angeline Quinto.
Ito ay kaugnay ng pambabash na ginawa ng mga ‘Popsters’ o tagahanga ni Sarah matapos kumalat ang mga akusasyong pinagtawanan nina Angeline at Morisette Amon ang emotional breakdown ng Pop Star Princess sa concert nito sa Las Vegas.
Ayon kay Angeline, mas lalo niyang hinangaan ang ginawa ni Sarah.
Muli iginiit ni Angeline na walang katotohanan ang mga akusasyon lalo’t iniidolo aniya niya ang Pop Star Princess.
Samantala, pinag-aaralan na ni Angeline ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa kanyang bashers na nagbanta sa kaligtasan ng kanyang ina.