Sinalubong ng matamis na yakap at halik sa cheeks ni Matteo Guidicelli ang girlfriend na si Sarah Geronimo sa finish line ng isang triathlon event sa Mactan, Cebu na ginanap noong Sabado.
Sa kanyang Instagram post, nagpahayag din ito ng kanyang hindi mapaglagyang kagalakan sa naging surpresa ni Sarah na may caption na:
Best weekend
Kaugnay nito, una nang napabalita na nakita ang Popstar Princess sa dulo ng naturang triathlon race para salubungin ang kanyang prince charming.
Hawak-hawak din ni Sarah ang kanyang banner na may handwritten note:
Matteo Congrats my Love! Gihigugma Tika!
Samantala, na-isapatan din sa nasabing triathlon event ang ilang Kapamilya stars katulad nina Kim Chiu, Enchong Dee at Piolo Pascual.