Ginulat ni Pop Star Sarah Geronimo ang kanyang fans dahil sa kanyang new look.
Ang nasabing maikling buhok ni Sarah ay nasilayan ng kanyang fans sa virtual concert nito kasama ang asawang si Matteo Guidicelli para sa anibersaryo ng isang membership shopping store na ini- endorso ng mag-asawa.
Inakala pa ng ilang netizens na naka wig ang pop star subalit kinumpirma ng hairstylist nitong si RJ Dela Cruz na totoong nagpaikli ng buhok ang aktres o naka pixie haircut na ito na mas maikli pa sa bob style na buhok nito noong 2014 sa pelikula nila ni Coco Martin.
Natutuwa naman ang netizens dahil bumagay kay Sarah ang kanyang hairstyle na nagpabata rito at patunay na masaya ito sa kanyang married life.