Magaganap umano bago matapos ang taong ito ang tinaguriang “wedding of the year”.
Ang tinutukoy na pinakasikat na kasalan ng taon ay magaganap sa pagitan nina pop star singer Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ayon sa ilang sources, nakikipag-usap na ang couple sa coordinator na mangangasiwa sa kanilang pag-iisang dibdib sa taong ito.
Nabunyag ito dahil sa umano’y kakaibang aura ni Sarah sa grand presscon ng kanilang balik tambalan ni John Lloyd Cruz makalipas ang apat na taon.
Sinabi ng showbiz insiders na kitang kita kay Sarah ang pagiging happy lalo na’t napapagaan nito at nagagawa pang magbiro sa mga seryosong tanong sa kaniya hinggil sa pelikula nila ni Lloydie.
Finally, lalo na’t walang kontra sa kanilang pagmamahalan ay natutuwa ang lahat dahil natagpuan na ni Sarah ang special someone nito na makakasama niya for the rest of her life.
By Judith Larino
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ikakasal na? was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882