Kinailangan ni Popstar Princess Sarah Geronimo na tumutok sa kanyang mga ginagawang paghahanda para sa nakatakda niyang konsyerto sa Abril 14 sa Araneta Coliseum.
Ito ang sinabing dahilan ni Sarah kung bakit kinailangan niya munang mag-lie low sa social media at ideactivate ang kanyang mga accounts.
Ayon kay Sarah, sa maikling panahon na nag-break siya sa social media ay nakapagrefresh siya at tunay na nakapaghanda.
Aniya, kinakailangan talaga ng matinding oras at energy ang ginagawa niyang paghahanda para sa nakatakda niyang concert.
Itinuturing din aniya itong pinakamalaking challenge sa kanyang career kaya talagang kailangan niyang ibuhos ang sarili para sa nasabing concert.