Hindi napigilan ni Pop star royalty Sarah Geronimo na maging emosyonal sa kanyang konsyerto na ginanap sa Las Vegas Nevada bilang bahagi ng ika-labing limang anibersaryo niya sa industriya.
Sa isang video na inupload ng isang fan ni Sarah, mapapanood ang paglalabas ng saloobin ng singer dahil aniya sa nararamdamang pagod.
Pag-amin ni Sarah, hindi niya napaghandaan ang nararamadamang pressure kaakibat ng tinamasang kasikatan.
Dagdag pa ni Sarah, nakararamdam siya sa ngayon ng emptiness.
Kaniya aniyang kinukwestiyon ang sarili lalo’t pakiramdam niya ay hindi siya kumpleto sa kabila ng mga matatagumpay na show at awitin.
Paulit-ulit ding humingi ng paumanhin si Sarah sa mga manonood at nagpasalamat din sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
Samantala, isang message of encouragement naman ang ipinost ng aktor na si Matteo Guidicelli para sa kanyang nobya na si Sarah.
Sa mensahe ni Matteo, kanyang sinabi na mananatili siya sa tabi ng kasintahan anuman ang mangyari.
—-