Balik Pilipinas para sa iba’t ibang proyekto ang Korean artist na si Jin Ju Hyung na nakilala sa mga korean series kagaya ng Hwarang’ at ‘Suspicious Partner’.
Ito ay kasabay ng pagpapakilala sa kanya bilang bagong contract artist ng Viva.
Ayon sa Korean actor, masaya siya sa pagbabalik niya sa Pilipinas lalo na’t marami aniya siyang magagandang ala-ala dito sa Pilipinas.
Umaasa naman si Jin na makatrabaho ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo maging si Erich Gonzales na kanya aniyang hinahangaan at nakikita sa Instagram.
Kasabay nito, taos puso ang pasasalamat ni Jin Ju Hyung sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.