Masayang nag-celebrate ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ng kanilang second wedding anniversary kahapon.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sarah ang kanyang mensahe at sweet photos nila ni Richard.
Say ng aktres, “To the king of my heart, happy anniversary, my love! Thank you for being my best friend, my refuge, my rock, and my happiness. I love you.”
Tumugon naman si Richard ng ”love you” kasama ang isang infinity emoji.
Taong 2017 nang ma-engage ang dalawa at march 2020 naman nang sila’y ikasal.
Mayroon na rin silang dalawang anak na sina Zion at Kai.