On the way na ang second baby ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Ito ang masayang inanunsyo ng dalawa sa Monday episode ng kanilang reality show na ‘It Takes Gutz To Be A Gutierrez.‘
Inihayag din ni Sarah ang kanyang excitement sa muling pagbubuntis sa isang Instagram post at sinabing magiging kuya na nga si Zion.
We are thrilled to announce that our little family is growing. Zion is about to be a kuya!!!!! So excited for the future. Lord, thank you for protecting us. I’m very much pregnant… back pains, breakouts, HAKAW DIM SUM CRAVINGS, cramps, mood swings, ANNOYANCE AT IBA PA!!! Raise your hand if you can relate!!! Shoutout to all the super moms out there. The silver lining to this craziness is that there’s a healthy baby growing inside of me who I’m very much excited to meet next year. Do you think we’re having a boy or girl? ❤️
Kasabay ng magandang balita ay bumuhos din ang mga pagbati para sa dalawa sa Twitter.
Isa sa mga well-wishers ay ang kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez na inihayag rin ang kanyang excitement sa nasabing balita.
Bago ito ay nagbigay ng ilang patikim ang power couple kaugnay sa sinasabi nilang ‘good news’ para sa kanilang apat na taong gulang na anak na si Zion.
Nitong Hulyo lamang ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement na ngayon ay limang taon nang magka-relasyon.
AR / DWIZ 882