Nagsalita na si Sarah Geronimo kaugnay sa kondisyon ng kanyang kalusugan.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagkansela nito ng ilang events.
Paglilinaw ni Sarah, maayos naman ang kanyang lagay ngunit may ilang health concerns lang na kailangang pagtuunan ng pansin.
Hindi na nagbigay ng marami pang detalye ang singer/ actress.
“Okay naman [ako ngayon]. Hindi naman po siya malalang sakit. Hindi na lang po ako magbibigay ng details pero inaayos naman po”. “Kailangan lang i-improve yung health. Kailangan lang bigyan ng atensyon kung bakit nahihirapan sa ganito, or sa ganyan.” Ang sagot ng dalaga sa isang exclusive interview sa ABS-CBN News.
Sinabi rin ni Sarah na nakatakda siyang magbakasyon sa susunod na buwan hanggang August para makapagpahinga.
Nitong Abril lang ay pumirma ito ng kontrata sa ABS-CBN, kung saan regular siyang napapanood sa Sunday variety show na ASAP.
Naghayag rin ng pasasalamat ang 27-year old singer sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanyang karera.
Photo Credit: cosmoph