Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang career ngayon ay super enjoy naman si Sarah Geronimo sa pagbabalik bilang coach ng ‘The Voice’.
Sa isang interview sinabi ng singer-actress na hanggang ngayon kapag may pumipili sa kanyang contestant ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang kaligayahan.
Aniya iba ang pakiramdam kung may isang taong nangangarap na nagbibigay ng tiwala sayo.
Thankful din si Sarah na nabibigyan siya ng pagkakataon na makatulong at makapag-inspire ng ibang mang-aawit na abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa ngayon para sa edisyon ng ‘The Voice Teens’ ay nakakuha na si Sarah ng dalawang artist na four-chair turners.
Sinabi rin ni Geronimo na marami pang dapat abangan sa The Voice Teens na umani ng mataas na ratings sa pilot episode pa lamang nito. —AR
Sarah super enjoy bilang The Voice coach was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882