Muling niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Sarangani sa Davao Occidental kaninang alas-3:18 ng hapon.
Ilang oras lamang ito matapos maramdaman ang naunang 5.7 na lindol pasado alas-11 kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, natukoy ang epicenter ng pinakahuling pagyanig sa layong 159 na kilometro timog-silangan ng Sarangani.
May lalim itong 73 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi ng Phivolcs, inaasahang magdudulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig gayundin ng mga aftershocks.