Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Davao Occidental.
Namataan ang sentro ng lindol, 148 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ganap na ala-singko ‘y medya ng hapon kahapon nang yanigin ang nabanggit na lugar.
Tectonic umano ang origin ng lindol at may lalim na 314-kilometer.
Naramdaman naman ang intensity III sa General Santos City habang intensity II sa Monkayo, Davao De Oro, at intensity I sa Alabel, Sarangani.
Wala namang nasaktan o napinsala sa nangyaring pagyanig kung saan asahan na umano ang mga aftershocks.