Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig sa layong 19 kilometro hilagang-silangan ng Sarangani, Davao Occidental dakong 6:37 ng umaga.
May lalim itong 62 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Instrumental Intensity II sa Alabel, Sarangani at General Santos City habang Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.
Wala namang inaasahang pinsala sa mga istruktura habang wala ring inaasahang aftershock.