Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental kagabi.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 278 kilometro ng timog-silangan ng Sarangani dakong alas 9:36 p.m. kagabi.
May lalim naman itong 83 kilometro at tectonic ang origin.
Samantala, wala namang napaulat na pinsala sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks.