Niyanig ng lindol ang bayan ng Sarangani, Davao Occidental, kagabi.
Alas 8:47 PM nang tamaan ng magnitude 5.2 na lindol ang naturang lugar.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig 236 na kilometro timog-silangan ng Sarangani at may lalim na 12 kilometro.
Wala namang nasaktan o napinsalang mga gusali habang inaasahan na ang aftershocks matapos ang pagyanig na tectonic ang origin.