Muling niyanig ng lindol ang bahagi ng Mindanao, isang araw matapos ang pagtama ng magnitude 6.5 na lindol na ikinasawi hindi bababa sa anim (6) katao.
Batay sa tala ng Phivolcs, naramdaman ang magnitude 5 .5 na lindol kaninang 10:30a.m, Nobyembre 1.
Nabatid ang epicenter nito sa layong 334 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, malapit sa boundary ng Indonesia.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 33 kilometro.
Magugunitang, tatlong beses nang niyanig ng higit sa magnitude 6 na lindol ang Mindanao nakaraang Oktubre.