Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Sarangani Davao Occidental pasado ala-11:41 kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, natunton ang epicenter ng pagyanig sa layong 208 kilometro timog-silangan ng Sarangani.
May lalim itong 45 kilometro at tectonic anng pinagmulan.
Sinabi ng Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala bagama’t posibleng magkaroon ng mga aftershocks.