Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental alas-4:23 kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic in origin ang nasabing lindol na may lalim na walumpu’t pitong (87) kilometro.
Sa ngayon ay patuloy na nararamdaman ang mga aftershocks sa probinsya at mga karatig lugar.
Samantala, kinansela na ng ahensya ang unang inilabas na tsunami advisory sa mga lugar malapit sa Celebes Sea kabilang na ang Sarangani, Davao Occidental, South Cotabato, Davao Oriental at Sultan Kudarat matapos ang malakas na lindol.
Sa report naman ni DWIZ Ronda Probinsya General Santos City Correspondent Net Ortiz, ipinabatid nitong naramdaman sa probinsya ang intensity 6.4 na lindol kaninang madaling araw.
Aniya agad na kumilos ang mga local government unit sa probinsya para tingnan ang posibleng mga naging pinsala ng lindol at agad na pinalikas ang mga residenteng malapit sa dagat.
By Judith Larino / with report from Net Ortiz
Sarangani Davao Occidental niyanig ng 7.2 lindol was last modified: April 29th, 2017 by DWIZ 882