Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology natukoy ang sentro ng lindol sa layong 174 na kilometro timog silangan ng Sarangani.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 33 kilometro sa ilalim ng dagat.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.
—-