Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang silangang bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental.
Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nangyari ang pagyanig 3:51 ng madaling araw ng Sabado.
Tectonic umano ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 130 kilometro.
Wala namang inaasahang aftershock ang PHIVOLCS at wala ding napa – ulat na pinsala dulot ng nasabing lindol.