Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Sarangani dakong 1:45 AM ngayong Biyernes ika-26 ng Pebrero.
Sa naitalang ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang episentro ng lindol ay namataan sa 27 kilometro timog-silangang bahagi ng Glan, Sarangani.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan at may lalim itong 18 kilometro.
Samantala, nakapagtala naman ng Intensity I sa Alabel at Kiamba sa Sarangani at sa General Santos City.