Isang magnitude 4.4 na lindol ang yumanig sa Sarangani kaninang 7:03 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 43 kilometers Timog-Kanluran ng Kiamba, Sarangani.
Tectonic ang origin ng pagyanig at may depth of focus na 21 kilometers.
Wala namang iniulat na intensities ang PHIVOLCS at wala ring inaasahang aftershocks o pinsala.