Mas pinaunlad pa ng Sarangani Province ang kanilang detection at surveillance system para sa mas mabilis na pagtugon sa suspected na kaso ng dengue.
Ayon kay Federico Yadao, Medical Technologist ng Sarangani Provincial Health Office (PHO), pinagtibay na ng lalawigan ang Sardengue 123 strategy na magtatakda ng tatlong araw na programa sa mga lokal na komunidad kontra sakit.
Sa unang araw, isasagawa ang pagbabantay sa natukoy na kaso ng dengue, imbestigasyon at analysis sa pangalawang araw at pagkakaroon ng nararapat na aksyon sa pangatlong araw.
Gayunman, tiniyak ni Yadao na hindi pa ganoon kataas ang dengue cases sa probinsya dahil nananatili silang nakabantay laban sa posibleng pagkalat ng sakit.
Simula pa noong 2019 ang outbreak ng dengue sa sarangani kung saan umabot na sa mahigit 2K kaso at labin-tatlong pagkasawi ang kanilang naitala.