Isinailalim na sa state of calamity ang Sarangani Province dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon.
Sa datos ng agricultural office ng Sarangani provincial government, halos 8,000 ektarya ng palayan at maisan ang nasira dahil sa tagtuyot.
Tinatayang nasa P2 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Sarangani.
Matatandaang noong nakaraang linggo, idineklara ang state of calamity sa Koronadal City dahil din sa El Niño.
By Meann Tanbio