Niyanig ng magnitude 4.48 na lindol ang Sarangani sa Davao Occidental ngayong Sabado, ika-24 ng Abril.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang naturang lindol dakong 7:09 ng umaga sa Sarangani at may lalim itong 11 km.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 72 silangang bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, wala namang naitalang intensity at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
JUST IN: Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental dakong 7:09AM | via @phivolcs_dost https://t.co/jIEReboffZ pic.twitter.com/zuV7RJqyzS
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 24, 2021