Ipagpapatuloy ng haligi ng jeepney manufacturing sa bansa na Sarao Motors ang produksyon ng jeep sa kabila ng ipinatutupad ng gobyerno na phase out ng mga lumang jeep.
Ayon kay Ed Sarao ng Sarao Motors Incorporated, handa silang tumalima sa jeepney modernization program sa pamamagitan ng pakikipag-sanib sa ibang private company sa halip na tumigil sa produksyon.
Isa rin anya itong magandang senyales dahil maraming plano para sa modernisasyon ang mga henerasyon ng Sarao pero pananatilihin nila ang kilalang imahen ng jeep lalo’t dito sila naging tanyag.
Sa katunayan ay mayroon na silang tatlong prototypes ng modernong jeep kabilang ang isang Zero Emission Unit o re-chargeable.
Gayunman, mataas ang presyo o nasa 1.5 hanggang 2 Million Pesos ng mga prototype kumpara sa mga lumang disenyo ng jeep na nasa 700 hanggang 800 Thousand Pesos bawat unit.