Pormal nang binuksan sa publiko ang Sariaya Bypass Road sa bahagi ng Barangay Isabang, Sariaya, Quezon Province.
Sa isinagawang inagurasyon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang nasabing kalsada ay may apat na linya at may haba na mahigit pitong kilometro na magsisimula sa Manila South Road daang maharlika hanggang sa Quezon Eco-Tourism Road.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng Build-Build-Build Program sa ilalim ng Duterte administration kung saan, nasa 15 libong daily commuters ang magkaka-access o papayagang makadaan sa bypass road.
Dahil sa naturang proyekto, aabot nalang sa tatlumpung minuto ang byahe ng mga pasahero mula sa sariaya papuntang Lucena City.
Bukod pa dito, mas mapapaikli rin ang travel time papuntang BIcol.—sa panulat ni Angelica Doctolero