Maglulunsad ang MNLF o Moro National Liberation Front ng sariling anti-kidnapping at anti-terrorism task force.
Ayon kay MNLF Central Committee Deputy Secretary General for Military Affairs Abuamri Taddik, ito ay bilang ayuda sa ginagawang pagsisikap ng gobyerno upang maibalik ang kapayapaan sa Mindanao.
Aniya, nakahandang tumulong ang naturang grupo sa tropa ng gobyerno kontra sa mga kidnapper at teroristang nag-ooperate sa Sulu.
Tinatayang isang libo at limang daang (1,500) combatant ang magtitipon-tipon sa formal launching ng grupo sa main heaquarters ng MNLF sa Indanan, Sulu sa Sabado, Hulyo 1.
By Rianne Briones
Sariling anti-kidnapping at terrorism task force bubuuin ng MNLF was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882