Nanawagan ng grupo ng mga mambabatas na dating mga pulis at opisyal ng militar ang pamahalaan na simulan na rin nito ang pagsasagawa ng sariling naval patrol sa West Philippine Sea para ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa mga pinag-aagawang mga isla ng Pilipinas at China.
Ang panawagan ay ginawa ng Saturday Group na mga mambabatas sa Kongreso para simulan na ng pamahalaan ang “freedom of navigation” patrol.
Sinabi naman ni Magdalo Partylist Representative Ashley Acedillo na ang sariling pagpapatrol ng Pilipinas ay pagpapakita na hindi nito tinatanggap ang pag-angkin ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
Noong isang linggo ipinadala ng Amerika ang USS Lassen guided missile destroyer nito para maglayag sa 12 nautical miles ng isa sa isla sa Spratly Islands.
Sinabi ni US Pacific Command Commander Admiral Harry Harris na ang misyon ng USS Lassen’s ay bahagi US “routine freedom of navigation operations,” bagamat binigyang diin ng Washington na wala itong kinalaman sa sigalot sa rehiyon.
By Mariboy Ysibido