Hindi hamak na mas malakas sa iba pang variant ng COVID-19 ang Delta Variant na unang nadiskubre sa India.
Ito ang pangunahing rason kaya’t may pangamba ang inter-agency task force na payagan ang provincial government ng Cebu na magpatupad ng sariling polisiya kontra COVID-19.
Ayon kay Doctor Edsel Maurice Salvaña ng Department of Health–Technical Advisory Group, mas nakahahawa ang delta variant at kaya ng isang tao na mayroon nito na manghawa ng 5 hanggang 8 iba pa sa loob lamang ng 15 minuto.
Mayroon din itong incubation period na 4 na araw, na nangangahulugang may kakayahan ang isang asymptomatic person na magdala ng virus nang hindi napapansin bago pa magpakita ng mga sintomas.
Naniniwala si Salvaña na ang quarantine na hanggang 10 araw ay nakababawas ng panganib na makapanghawa ng COVID-19 delta variant.— Panulat ni Drew Nacino