Matagumpay na naipalipad sa kalawakan ng South Korea ang sarili nilang gawang Space Rocket.
Ayon kay Oh Tae-Seok, Deputy Minister of Science, Technology and Innovation ng Seoul, tinawag ang Space Rocket na Korea Satellite Launch Vehicle 2.
May laman itong 200 toneladang liquid fuel rocket na pinangalanang “Nuri”.
Pangalawang beses nang nagpalipad ng rocket ang South Korea matapos mabigo ang una noong Oktubre.
Nagkakahalaga ang Nuri Rocket ng $1.5-B na ginawa ng mahigit isang dekada.