Mas pinipili ng mga Pilipino ngayon ang bumili ng sariwang karne mula sa mga local producer.
Kasunod ito ng paghimok ng Department of Agriculture sa publiko na bumili ng frozen meat.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So, hindi mabenta sa ngayon ang frozen meat kaya nahihirapan ang da na mailatag ito sa market.
Bukod pa rito, kaunti lamang aniya ang deperensya sa presyo kaya’t mas gusto pa rin ng mga mamimili ang local at fresh na suplay ng karne.
Nabatid na sinabi ng da na sapat ang suplay ng karne sa bansa.