Wala nang aasahang SARO o Special Allotment Release Order ang mga Local Government Units (LGUs) sa susunod na taon dahil inalis na ng goberyerno ito upang mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto para sa mga mamamayan.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, epektibo January 1, 2015 ay ituturing nang released, ngunit kailangang mas kumita pa rin ng work as financial plan upang matutukan ang mga proyekto.
Layon, aniya, ng pag-alis ng SARO ang pagtanggal na rin sa mga checkpoints na dinadaanan ng pondo.
Sa pamamagitan nito, ayon kay Coloma, ay makikita kung sino talaga ang nagtatrabaho dahil dati ay laging ginagamit ang gasgas na katwirang iniipit ang pondo.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)