Isang 4 by 4 pick up ang nahulog sa 2nd palapag ng the Malayan Plaza Hotel sa bahagi ng Ortigas sa Pasig City.
Nasugatan sa insidente ang driver ng nahulog na Ford Ranger pick up na kinilalang si Rocky Pagaragan.
Agad naman itong isinugod sa Rizal Medical Center para mabigyang lunas ang tinamo nitong bali sa kaliwang braso at leeg.
Ayon kay Police Master Sergeant Allan Mapula, imbestigador mula sa Eastern Police District, lumabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na naging mabilis ang takbo ng pick up dahilan kaya nawalan ng kontrol ag driver at nag-overshoot sa bakod ng parking lot ng Hotel.
Samantala, mag-aalauna ng hapon kanina ng tuluyan nang maialis sa bahagi ng Topaz at Opal Road sa Ortigas ang nahulog na sasakyan at magbalik normal ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.