Hinarang ng PNP-Highway Patrol Group o HPG ang sasakyan ng isang kongresista.
Kasunod na ito nang isinagawang one-time, big time operation ng HPG sa Quezon Avenue sa Quezon City kaninang umaga.
Ang sasakyan ni Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol ang hinarang dahil sa plaka nitong “8” o otso na ipinagbabawal na.
Ayon kay PNP HPG Director Arnel Escobal, ang plakang “8” ay hindi galing sa LTO base na rin sa uri ng materyales nito.
Bukod sa sasakyan ni Datol, hindi bababa sa sampung sasakyan tulad ng motorsiklo ang naharang ng HPG.
Karamihan sa paglabag ng mga sasakyan ay pagkakaroon ng sirena, blinkers, excess gadgets, led lights at stickers ng gobyerno.
Binalaan ang mga naharang na motorista na pagmumultahin na sa susunod na mahuling lumabag sa batas.
—-