Nakikipag-ugnayan na ang Manila Police District (MPD) sa mga awtoridad sa Nueva Ecija matapos marekober ng mga ito ang sasakyan ni road rage suspect Vhon Martin Tanto.
Ayon kay Police Chief Inspector Joeberman Bides, natagpuan sa Brgy. Mirang, Aritao, Nueva Ecija ang Hyundai Eon ng suspek.
Sinabi ni Bides na Martes ng alas-6:00 ng gabi nang iwan ni Tanto ang naturang sasakyan sa tapat ng bahay ng kanyang bayaw na si Jonathan Leanio at sumakay ito ng pampasaherong bus pa-Maynila.
Ipinabatid naman ni Leanio na gustong magtungo ng Bataan ni Tanto na hinatid niya sa Florida Bus stop sa Barangay Banganan.
Sumakay aniya ito ng Florida bus na may biyaheng Sampaloc-Cubao via SCTEX .
Nakatakdang i-turn over sa Camp Crame ang naturang sasakyan ni Tanto.
Still at large
Wala pang positibong resulta ang manhunt operations ng Manila Police District (MPD) laban sa road rage suspect na si Vhon Martin Tanto na isang Army reservist.
Ipinabatid ito ni MPD Spokesperson Supt. Maritess Bruno na nagsabing wala pa ring ipinapaabot sa kanila ng kagustuhan sumuko ni Tanto.
Tiniyak sa DWIZ ni Bruno ang tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Army para sa agarang pag-aresto kay Tanto.
Bahagi ng pahayag ni MPD Spokesperson Supt. Maritess Bruno
By Judith Larino | Karambola | Aya Yupangco (Patrol 5)