Tinaningan na umano ng Supreme Court justices si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno para maisauli ang Toyota Land Cruiser na una nang inisyu sa kaniya.
Nabatid na binigyan ng kaniyang mga kapwa mahistrado si Sereno ng hanggang June 30 para ibalik ang sasakyan niya, ng kaniyang security at staff.
Inaasahan namang si acting Chief Justice Antonio Carpio ang gagawa at mag-iisyu ng resolusyon para maibalik na ang sasakyan.
SolGen on Sereno’s MR
Samantala, malinaw na basehan para mapatalsik ang isang public servant ang kabiguang tuparin ang constitutional at statutory obligation tulad nang pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Iginiit ito ni Solicitor General Jose Calida matapos batikusin muli si ousted Supreme Court CHIEF Justice Maria Lourdes Sereno sa inihain nitong motion for reconsideration sa napaborang quo warranto petition ng Office of the Solicitor General o OSG.
Kasabay nito, binatikos ni Calida ang ilang legal experts na naggigiit na hindi naayos sa batas ang pagkakatanggal kay Sereno taliwas naman sa aniya’y nakasaad sa konstitusyon na ang Korte Suprema ang mayroong original jurisdiction sa quo warranto petition.
Hindi aniya uubrang dumaan sa impeachment si Sereno dahil sa isyu ng eligibility na subject ng writ of quo warranto.
—-