Na-ispatan sa isang parada sa North Korea ang isang sasakyang may dala umanong ballistic missile sa gitna ng sinasabing paghahanda sa kanilang malakihang military display holiday sa October 10.
Batay sa ipinalabas na sattelite imagery ng isang U-S think-tank, makikita ang tila sasakyang may dalang missile sa Mirim Parade Training Ground sa labas ng Pyongyang.
Ayon sa grupo, bagama’t hindi sapat ang resolution ng nakuhang larawan para eksaktong matukoy ang naturang sasakyan, tinataya namang may sukat at hugis ito na kayang mag-transport ng rector launcher para sa isang malaking missile.
May kakayahan din umano itong bitbitin ang isa sa intercontinental ballistic missiles ng North Korea na pinaniniwalaang kayang targetin ang Estados Unidos.