Kumpiyansa ang Department of Transporation (DOTr) na nakakasabay na ang Pilipinas sa world standards pagdating sa mga sasakyang pandagat.
Ito’y ayon kay Transporation secretary Jaime Bautista makaraang inspeksyunin ang bagong Roll-on, roll off o roro vessel.
Binili noong 2021 ang MV 2GO at kayang makasakay ng 664 na mga pasahero at makakapagpa-karga ng 270 na may twenty-foot equivalent unit at 70 rolling cargo.
Tiyak na magiging kumportable ang mga pasahero dahil sa tampok na State of the Art ng pasalidad.
Kasalukuyan ng bumabiyahe ang natural Roro vessel mula Manila patungong Visayas at Mindanao.
Kakayanin ding makabiyahe mula sa Maynila hanggang Cebu sa loob ng 17-oras. —sa panulat ni Jenn Patrolla