Bumaba ang satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong ikatlong bahagi ng 2019.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS, nagtala ng positive 67 percent na satisfaction rating ang Duterte Administration, anim na porsyentong mas mababa sa positive 73 percent noong Hunyo.
Kabilang sa mga isyu kung saan nakakuha ng very good rating ang Duterte Administration ay pagtulong sa mahihirap, pamamahagi ng impormasyong kelangan ng mga mamamayan para masuri ang pamahalaan at pagkakaroon ng malinaw na polisiya.