Umakyat sa +73 ang satisfaction rating ng Duterte administration
Batay ito sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan maituturing na excellent ang nasabing satisfaction rating.
Lumalabas sa resulta ng SWS survey na isinagawa mula December 13 hanggang 16, 81% ng respondents ang nagpaabot ng satisfaction sa pangkalahatang performance ng administration, 12% ang satisfied o dissatisfied at 7% naman ang satisfied.
Sinabi ng SWS na ang satisfaction rating sa huling quarter ng 2019 ay umakyat ng anim na puntos mula sa very good rating na positive 67 nuong september 2019 at kapareho ng record high excellent rating nuong June 2009.
Inihayag ng SWS na tumaas ang satisfaction rating ng administrasyon sa lahat ng area tulad nang pagtulong sa mga mahihirap +64, paglaban sa terorismo +61, pagbibigay ng impormasyong kailangan ng mga mamamayan para makitang kumikilos ang gobyerno +58, pagkakaruon ng malinaw na polisiya +56, pagsusulong ng isang malusog na ekonomiya +53, pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Muslim +51 at pagbibigay proteksyon sa freedom of the press +50.
+49 naman sa paglaban sa krimen, pakikipagkasundo sa mga rebeldeng +48, foreign relations +47, pagkilos na naayon sa kagustuhan ng taumbayan +45, pag depensa sa soberanya ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea +32 at kampanya kontra korupsyon +31.
Moderate naman ang rating ng gobyerno sa pagtiyak na walang pamilyang magugutom +29, pagbawi sa mga umanoy nakaw na yaman ng pamilya Marcos +25 at paglaban sa inflation +12.
Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adults sa buong bansa sa pamamagitan ng face to face interviews.