Patuloy ang pagbaba ng satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS), nananatili sa neutral sa positive 6 o 34% satisfied at 28% dissatisfied ang ratings ni Sereno ngayong buwan o mababa ng tatlong puntos mula sa positive 9 noong Setyembre.
Sinabi ng SWS na ang naturang ratings ay pinakamababa na ni Sereno simula noong neutral negative 1 noong Disyembre 2015.
Ang tatlong puntos na pagbaba ng ratings sa kabuuan ni Sereno ay resulta ng pagbaba din ng satisfaction rating nito sa Metro Manila sa 7 puntos, Mindanao na 4 puntos at Visayas na 2 puntos.
Ang naturang survey ay isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16 sa 1,200 adults gamit ang face to face interviews.
Si Sereno ay nahaharap sa impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon.