Ikinatuwa ng Palasyo ang very good net satisfaction rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Ito’y kung saan nakatanggap ang Pangulo ng positive 58 o very good para sa unang bahagi ng 2018.
Bagamat bumaba ng labindalawang puntos mula sa positive 70 na satisfaction rating ng Pangulo noong Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malaki ang pasasalamat ng Palasyo sa publiko sa pagbibigay ng halaga sa ginagawang pagtulong ng administrasyon sa biktima ng kalamidad.
Ipinagmalaki ni Roque ang good rating na nakuha ng pamahalaan sa pagtulong sa mga mahihirap, pagbagon sa Marawi City, pagsulong ng kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers, paglaban sa terorismo at pagpapahalaga sa karapatang pantao.
Tiniyak ni Roque na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsusulong ng interes at kapakanan ng sambayanang Pilipino.